MANILA, Philippines - Nagbitiw na kahapon si Secretary Jesus Dureza bilang chairman ng Mindanao Development Authority (MDA).
Sinabi ni Sec. Dureza, nagbitiw na siya bilang chairman ng MDA upang mabigyan ng free-hand si Pangulong Benigno Aquino III na pumili ng magiging kapalit nito.
Wika pa ni Sec. Dureza, nais niyang bigyan ng pagkakataon si Pangulong Aquino na humirang mamumuno sa MDA sa ilalim ng policy ng bagong gobyerno para sa rehiyon ng Mindanao.