Katiwala todas sa kidlat

DAGUPAN CITY, Philippines — Isang fishpen caretaker ang iniulat na nasawi makaraang tamaan ng kidlat noong Sabado ng hapon sa Brgy. Salapingao sa Dagupan City, Panga­sinan. Sa naantalang ulat na nakarating sa Pangasinan PNP provincial office, kinilala ang nasawi na si Mark Fernandez, 22. Base sa pagsi­siyasat, lumilitaw na nagpapakain ng mga bangus sa palaisdaan ang biktima habang malakas ang ulan nang biglang kumulog at tamaan ito ng kidlat. Idineklarang patay sa Region 1 Medical Center ang biktima.

Show comments