Misis tinodas, pulis nag-suicide

MANILA, Philippines - Pinagbabaril muna hang­gang sa mapatay ng selosong pulis ang kan­yang misis bago ito nag-suicide sa loob ng kanilang tahanan sa Luzville Subdivision sa Davao City kama­kalawa.

Kinilala ang misis na napaslang na si Marife Ayop Concepcion, 35, habang nagbaril naman sa sintido si P02 Godofredo Concepcion, 47, nakata­laga sa Camp Catitipan sa Davao City.

Sa police report na na­karating sa Camp Crame, naganap ang insidente sa bahay ng mag-asawa sa Block 26, Lot 27, bandang alas-5:45 ng umaga.

Lumilitaw na nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa hanggang sa magkulong sa kanilang kuwarto kung saan ilang minuto ang nakalipas ay umalingawngaw ang su­nud-sunod na putok ng baril.

Napilitan naman ang mga anak na buksan ang kuwarto ng kanilang mga magulang at tumambad sa kanila ang duguang ina ha­bang isinugod naman sa Southern Philippine Medical Center ang ama subalit namatay din.With trainees Rafael Zapanta/Mary Ann Chua

Show comments