Konsehal dedo sa ambush

KIDAPAWAN CITY , Philippines– Napaslang ang isang muni­cipal councilor makaraang pagbabarilin ng dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo sa kahabaan ng highway sa hangganan ng mga Barangay Poblacion at Batulawan sa bayan ng Pikit, North Cotabato kahapon ng umaga. Napu­ruhan sa ulo ng bala ng baril si Pikit Councilor Husain “Boy” Alba. Ayon kay P/Inspector Elias Dandan, hepe ng pulisya sa bayang nabanggit, minamaneho ng biktima ang pickup patungo sa municipal hall para dumalo sa flag raising ceremony nang dikitan at ratratin ng motorcycle-riding gunmen. Naisugod pa sa Cruzado Hospital ang biktima subalit idineklarang patay sa emergency­ room. Si Alba ay chairman ng Sangguniang Bayan Committee on Peace and Order.

Show comments