Umawat sa gulo, tinodas

MANILA, Philippines - Patay ang isang dating bise alkalde na sinasabing umawat lamang sa kagulu­han sa loob ng videoke bar noong Miyerkules ng gabi sa Tabuk City, Kalinga. Kinilala ni Tabuk police commander Chief Inspector Bobby Glen Ganipac ang napatay na si ex-Tanudan Vice Mayor Gilbert Anganay. Lumilitaw sa police report, na nakikipag-inuman ang biktima sa kan­yang mga kaibigan sa loob ng videoke bar nang sumik­lab ang gulo sa pagitan ni Santos Wacnang at isang opisyal ng baran­gay. Naba­tid na tinangkang awatin ng biktima subalit umalingaw­ngaw ang putok ng baril mula kay Wacnang. Du­guang bumulagta ang bik­tima at hindi na umabot ng buhay sa Kalinga Provincial Hospital dahil sa tama sa dibdib. Inaresto naman ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong murder.

Show comments