Alalay ng bokal itinumba

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Napaslang ang isang close-in bodyguard ng isang board member (bokal) matapos pagbabarilin ng mga ‘di-pa kilalang grupo sa panibagong karahasang naganap sa bayan ng Amadeo, Cavite kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Senior Inspector Erickson Nato, hepe ng Amadeo PNP ang napatay na si Albert Candare, 45, ng Barangay Poblacion at security escort ni Board Member OJ Ambagan.

Nabatid na naglalakad si Candare sa bisinidad ng Barangay 4 nang hintuan ng kulay pulang kotse bandang alas-6:45 ng gabi. Sa salaysay ng mga saksi, biglang bumaba ang isang lalaki na armado ng M-16 Armalite rifle at walang habas na pinaputukan ang biktima bago mabilis na tumakas. Arnell Ozaeta at Cristina Timbang

Show comments