3 kabataan natusta sa kidlat

CAVITE, Philippines — Halos masunog ang buong katawan ng tatlong kabataan matapos tamaan ng matalim na kidlat sa bahagi ng Barangay Lantic, sa bayan ng Carmona, Cavite kamakalawa.

Kinilala ni P/Chief Insp. Armandy Dimabyu, hepe ng Carmona PNP ang mga nasawi na sina Jonnel Tiofilo Lofranco, 12; Romeo Sangarios Jr. 14; at Edwin Ormandoc 13, pawang mag-aaral sa ele­mentarya at nakatira sa Phase 4, Barangay Milagrosa sa nasabing bayan.

Bandang alas-7 ng umaga nang ma­tagpuan ang mga bangkay ng tatlo sa gilid ng punong mangga kung saan huling namataang buhay na mag­kakasama noong Sabado ng gabi.

Show comments