Gitarista sa bar itinumba

BATAAN, Philippines — Hindi na na­ri­nig ang huling kakantahin ng isang solo band guitarist makaraang pagbabarilin at napaslang ng ‘di-pa kilalang lalaki sa harap ng kanyang mga customer sa Dishes and Drinks Videoke Bar sa Capitol Drive, Brgy. San Jose, Balanga City, Bataan kama­ka­lawa ng gabi.

Kinilala ni Bataan Police Director P/Senior Supt. Arnold Gunnacao ang napaslang na si Elizon Cruz, 38, ng Sitio Pag-Ibig Upper Tuyo, Balanga City.

Lumilitaw na magsisimulang kumanta si Cruz sa kanyang mga customer at panghuling kanta sana nang may lumapit na lalaki kung saan akala ng iba ay magbibigay ng tips subali’t putok ng tatlong bala ng baril ang ibinigay nito.

Nagpanakbuhan ang mga kustomer palabas nang ma­rinig ang sunud-sunod na putok ng baril kung saan sina­mantala naman ng gunman na tumakas sakay ng motor­siklo.

Show comments