Mag-utol nagpatayan sa lupa

BULACAN, Philippines — Dahil sa kapirasong lupa na pinamana ng kanilang mga magulang, isang Barangay kagawad ang kumpirmadong napaslang makaraang pagtatagain ng kanyang utol na lalaki sa Barangay Bagong Barrio sa bayan ng Pandi, Bulacan kahapon. Nahati ang leeg at naputol ang dalawang kamay ni Lucio Rodriguez, 63, habang nasakote naman ang suspek na si Donato Rodriguez, 48, kapwa mag­sasaka. Ayon kay SPO2 Pol Gutierrez, nagtalo ang mag-utol sa kapirasong lupain na kinatitirikan ng bahay ng biktima kung saan pinaalis ng suspek. Nabatid na tumangging umalis ang biktima kaya nagalit ang kanyang kapatid na nauwi sa tagaan. Sa follow-up operation natunton ang suspek sa ospital habang nagpapagamot dahil sa tama rin ng taga ng kanyang utol.

Show comments