2 kinatay sa fishpond

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng dalawang lalaki makaraang pagtatagain sa bisinidad ng palaisdaan sa Barangay Canacan sa bayan ng Kabasalan, Zamboanga Sibugay kamakalawa ng madaling-araw. Bandang ala-una ng madaling-araw nang matagpuan ang mga bangkay nina Gaudencio Pagaran Jr. at Mario Buhayan, kapwa nakatira sa Barangay Salipyasin. Ayon kay P/Chief Supt. Edwin Corvera, na halos maputol ang leeg ng mga biktima sa mga tinamong pagkakataga.Pinaniniwalaan namang lima hanggang anim-katao ang kumuyog at pumaslang sa mga biktima base sa pahayag ng ilang testigo.

Show comments