Misis ng OFW dedo sa akyat-bahay

BULACAN, Philippines – Hindi mapi­gilan ng kapulisan ang sunud-sunod na operasyon ng mga miyembro ng notoryus na Akyat-Bahay Gang kung saan isa na namang misis ang pinagtulungang saksakin hanggang sa mapatay sa loob ng kanyang tahanan sa Brgy. Burol 2 sa bayan ng Balagtas, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Dalawampu’t tatlong sak­sak sa katawan ang tumapos sa buhay ni Luzbelle Santos, 42, asawa ng salesman sa Saudi Arabia.

Ayon kay PO2 Ian San­chez, natagpuan ang bang­ kay ng biktima dakong alas-6:45 ng umaga kahapon kung saan gigisingin saan ng anak na si Adrian James.

Duguang nakabulagta ang biktima sa kama kung saan naiwang buhay ang laptop nito.

May teorya ang pulisya na lumaban ang biktima sa mga kawatan matapos makapasok sa sinirang rehas na bakal sa beranda.

Show comments