4 natusta sa kidlat

BULACAN, Philippines — Kumpirmadong nasawi ang apat na magsasaka makaraang tamaan ng kidlat sa loob ng kubo kamakalawa ng hapon sa bulubunduking bahagi ng Barangay Paradise 3 sa San Jose Del Monte City, Bulacan.

Halos masunog ang buong katawan nina Melvin Limpin 20; Romeo Limpin 21, kapwa nakatira sa Sitio Takbuhan; Orlan Belarmino, 28; Aida Nolasco, 62, ng Brgy. Minuyan Proper habang sugatan naman si Lito Limpin 43.

Lumilitaw na nakisilong sa kubo ang apat para magmeryenda subalit ilang minuto pa lamang ang nakalipas ay gumuhit ang matalim na kidlat at nasapol ang mga biktima.

Show comments