Guro tinodas

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines   — Dead-on-the- spot ang isang guro makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang armadong salarin sa hangganan ng Brgy. Ba­yombong at Biyong Aroroy, Masbate kamakalawa ng gabi. Ang biktima ay kinilalang si Edgar Fernandez, nasa hus­tong gulang, may asawa, guro sa Puro Elementary School at residente ng naturang bayan. Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas 6:10 ng gabi habang papauwi na ang biktima sa kanilang tahanan lulan ng motorsiklo ng pagbabarilin ng suspek na armado ng cal. 45 pistol. Nang masigurong patay na ang target ay mabilis na tumakas ang suspek na sina­mantala ang kadiliman ng gabi. Inaalam pa ng mga aw­toridad ang motibo ng insidente.

Show comments