Behikulo ng mayor hinarang

MANILA, Philippines - Hinarang ng tinatayang 12 miyembro ng mga re­beldeng New People’s Army (NPA) ang behikulo ng isang alkalde at dini­sarmahan ang apat na security escorts nito kabi­lang ang isang pulis sa Gingoog City, Misamis Oriental kamakalawa.

Kinilala ni Army’s 4th Infantry Division (ID) Spokesman Lt. Col. Triumph Do­minic Ba­gaipo ang isa sa mga nadisar­mahan ng cal.38 revolver na si PO2 Diosdado Abanil 

Ayon kay Bagaipo, na­ganap ang insidente habang bumibiyahe ang sinasak­yang Isuzu Dmax ni Gin­goog City Mayor Ruthie Guingona sakay ang apat nitong escorts na sina Abanil at tatlong sibilyan sa kaha­baan ng highway ng Brgy. San Luis ng lungsod dakong alas-8:30 ng umaga.

Nagkataon namang hindi sakay ng nasabing behikulo si Gingoog City Mayor Guin­go­na kaya ang security escorts nito ang napag­dis­ki­tahang disarmahan ng mga arma­dong rebelde.

Kinuha ng mga rebelde ang isang cal 38 revolver ni Abanil, isang base radio, handheld radio, hand grenade at iba pa. Tinutugis na ng security forces ang mga nagsitakas na rebelde. (with trainee Mary Ann Chua/ Mary Joy Mondero)

Show comments