Misis natusta sa kidlat

PANGASINAN, Philippines — Isa na namang misis ang iniulat na na­sawi makaraang tamaan ng kidlat sa kasagsagan ng malakas na ulan sa Barangay Balingueo sa bayan ng Sta. Barbara, Pan­gasinan noong Lunes. Halos matusta ang buong katawan ni Re­medios Flores, 46, na sinasabing lumabas ng kanilang ba­hay upang magpakain ng mga alagang manok nang tamaan ng kidlat. Matatandaang isang ginang din sa bayan ng Binmaley ang tinamaan ng kidlat at nasawi noon Lunes ng hapon. Ang magkasunod na insidente ay naganap matapos manalasa ang buhawi na sinundan ng malakas na ulan at sunud-sunod na pagkulog.

Show comments