Convoy ng mayor nag-dive sa bangin

MANILA, Philippines - Kamatayan ang su­ma­lubong sa dalawang ka­mag-anak na lulan ng convoy ng alkalde ng bayan ng Lasam, Ca­gayan ma­tapos na ma­hulog ang sasakyan sa bangin sa Tuguegarao City noong Lunes ng hapon.

Kinilala ni P/Senior Supt. Eliseo Tanding ang mga nasawi na sina Cheryll Serrano, 50; at Nora Cor­tez, 51.

Samantala, sugatan na­man sina Romeo Al­caide, 46; at PO1 Renen Ge­noveza, 30.

Sa police report na na­ka­rating sa Camp Crame, naganap ang insidente sa ka­habaan ng Caggay High­way, Soldiers Hill 4 kung saan ang mga bik­tima ay pawang mga ka­mag-anak ni Mayor Mar­jorie Salazar.

Nabatid na sakay ang mga biktima ng Isuzu High Lander na may pla­kang UPF-158 nang bu­mulusok ang high lander pagsapit sa nabanggit na lugar ha­bang patungo ang convoy sa kapitolyo ng Ca­gayan.

Ayon sa ulat, sumabog ang gulong sa likurang bahagi ng sasakyan kaya hindi nakontrol ng driver ang manibela kaya nahu­log sa may 15 metrong lalim na bangin. With trainee Rafael Zapanta /Mary Joy Mondero

Show comments