BATAAN, Philippines — Tatlo-katao ang iniulat na namatay kabilang ang mag-asawa at 17-anyos na babaeng buntis habang tatlong iba pa ang malubhang nasugatan matapos mabundol ng pampasaherong aircon bus ang traysikel sa kahabaan ng Roman Superhighway sa Sitio Peas, Barangay Duale sa bayan ng Limay, Bataan kamakalawa ng gabi.
Dead-on-the-spot si Michell Castellar habang idineklarang patay sa Bataan General Hospital ang asawa nitong si Leopoldo Tagasa y Francisco, 24, tricycle driver; Racquel Ararao, 17; at dinadala nitong dalawang buwang ipinagbubuntis. Samantala, kritikal naman sina Angelina Javier, Joseph Castier at isang alyas Grace.
Sa police report, nahagip ng Bataan Transit Bus (CXS 680) ni Daniel Marcelo ng Barangay Balon, Anito, Mariveles ang traysikel (BP 1455) ni Tagasa.