Ex-brodkaster itinumba

MANILA, Philippines - Napaslang ang dating brodkaster matapos itong pagbabarilin ng ‘di-pa kilalang lalaki sa labas ng kanyang bahay sa Barangay Tuga sa bayan ng Tabuk, Kalinga kamakalawa.

Sa ulat ni P/Supt. Virgilio Laya, Kalinga PNP director, nakilala ang napatay na si Jose Daguio, 75, ex-brodkaster ng “Radyo Natin Tabuk” at nakatira sa na­banggit na barangay.

Sa ulat na na­karating sa Camp Cra­me, lumilitaw na nagpapakain ng kanyang alagang aso ang biktima sa bakuran ng kanilang bahay nang ratratin.

Nagawa pang maitakbo sa Kalinga Provincial Hospital ang biktima subalit idineklarang patay dahil sa tama ng bala sa tagiliran.

Show comments