MANILA, Philippines - Anim na alagad ng batas ang iniulat na nasugatan makaraang masalpok ang kanilang patrol car ng isang taxi sa panulukan ng Junquera at Sancianko Street sa Cebu City, Cebu kamakalawa.
Naisugod naman sa Cebu Chong Hua Hospital sina P/ Inspector Bonifacio Garciano, SPO4 William Alicaba, SPO1 Jeffrey Diola, SPO1 Benjamin Herbias, PO3 Eutiqio Prosia Jr at si SPO1 Raul Cosido Jr.
Lumilitaw na nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng taxi cab (GXJ 118) kaya sinalpok ang patrol car (SFN 500) ng mga biktima na pawang miyembro ng Crime Against Property Desk ng Cebu PNP. Sumuko naman ang drayber ng taxi na si Pedro Empas ng Lapu-Lapu City, Cebu.