MANILA, Philippines - Patay ang isang 50-anyos na lalaki matapos itong aksidenteng masagasaan ng isang patrol car sa Brgy. Camagong, Nasipit, Agusan del Norte kamakalawa.
Kinilala ang biktima na si Fernando Masaguinda, residente ng Brgy. Camagong, Nasipit, Agusan del Norte.
Bandang ala-1:30 ng hapon ng mangyari ang insidente sa highway ng Brgy. Camagong, Nasipit, Agusan del Norte.
Ayon sa imbestigasyon, biglang tumawid ang biktima at eksakto namang dumaraan ang patrol vehicle ng Provincial Public Safety Management Company (PPMSC) na may plakang SKA-140 na minamaneho ni PO1 Gecael Estillore ng Agusan del Norte.
Ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival sa Provincial Hospital sa Butuan City. Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ng mga awtoridad ang kasong ito.