MALOLOS CITY, Philippines — Siniguro ni Bulacan Governor Willy Alvarado na pipigilan niya ang pagmimina sa kanilang lalawigan upang protektahan ang kanilang kapaligiran.
Sinabi ni Gov. Alvarado sa kanyang inaugural speech, dudurugin din niya ang corruption sa kapitolyo kasabay ang paniniguro na muli niyang bubuhayin ang mga ilog sa lalawigan.
Nanawagan din si Alvarado sa kapwa local na opisyal na magtipid sa paggastos ng pondo ng gobyerno at tigilan ang mga proyektong layunin ay magpasikat lamang.
Tiniyak din ng bagong gobernador na walang magaganap na sibakan sa hanay ng mga empleyado ng kapitolyo.
Si Alvarado ang ika-31 gobernador ng Bulacan mula ng italaga bilang civil at military governor ng lalawigan ang yumaong si General Gregorio Del Pilar noong 1898.