Ex-NAPOCOR employee itinumba

BATANGAS, Philippines — Patay ang 59-anyos na dating em­pleyado ng National Power Corporation (Napocor) sa panibagong karahasang naganap sa bayan ng Ba­layan matapos pagba­barilin ng hindi pa nakikila­lang suspek kahapon ng umaga.

 Kinilala ni Chief Inspector Manuel Castillo, Bala­yan Police Chief ang bikti­mang si Ramon Moreno, re­sidente ng Barangay Balibago, Calata­gan, Ba­ta­ngas, ex-NPC employee at may-ari ng isang transport service.

Bandang alas-8 ng uma­­­ga ng mangyari ang insi­dente habang nakatayo ang biktima sa harapan ng kani­yang Hyundai van matapos ihatid sa Mon­tessori School ang es­tu­dyante nitong anak sa Brgy. Ermita sa Balayan.

Matapos ang pamamaril tinangay pa ng mga suspek ang sasakyan ng biktima bago inabandona sa Ba­rangay Gumamela sa ba­yan din ng Balayan. Nag­tamo ng apat na tama ng bala ng baril ang biktima na naging dahilan ng kanyang agad na ka­ma­ tayan.

Show comments