P3-milyong ari-arian naabo

MANILA, Philippines - Umaabot sa P3 milyong halaga ng ari-arian ang naabo makaraang masunog ang bodega at tahanan ng negosyante sa Emily Homes Subdivision, Cabantian, Davao City kamakalawa. Naganap ang insidente sa Block 36, Lot 33, Samuel St., bandang alas-4:40 ng madaling-araw kung saan nagmula ang apoy sa bodega na pag-aari ni Willy Enicueta. Nasunog din ang Tamaraw FX na may plakang TCZ -684 na nakaparada sa harapan ng tahanan ng pamilya Enicueta. Matapos ang ilang oras ay naapula rin ang sunog matapos na magresponde ang mga bumbero.

Show comments