P20-milyong pondo vs krimen sa Pampanga

SAN FERNANDO, Pam­panga, Philippines – Nangakong bubura­hin ni Governor-elect Lilia “Nanay Baby” Pineda ang lahat ng uri ng kriminalidad sa Pampanga kapag nagsimula na itong manungkulan sa susunod na linggo.

Ito ang binitiwang ba­bala ni Pineda sa lahat ng masa­samang-loob sa Pam­­panga na sinasabing nagpapahirap sa mga mamayan at dayu­hang negosyante.

Ayon kay Pineda, mag­lalaan siya ng P20-milyong pondo kada-taon para sa operasyon ng pu­lisya upang higit na mapa­lakas ang kaka­yahan ng mga pulis at maging epek­tibo laban sa krimi­nalidad.

Ang desisyon ni Pineda ay bunsod ng pangamba ng mga kasapi ng Pam­panga Cham­ber of Commerce and Indus­try (PAM­CHAM) na ipina­hayag sa ginanap na general membership kaugnay ng sunud-sunod na pagpatay sa ilang negosyante. kasabay nito, hiningi rin ni Pineda ang buong suporta at koope­ras­yon ng mga negosyante sa pagdakip sa mga krimi­nal na nagnanais guluhin ang kata­himikan ng Pam­panga.

Show comments