Rookie cop itinumba

MANILA, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa isang bagitong pulis makaraang ratratin ng mga ’di-pa kilalang lalaki sa Brgy. Poblacion sa bayan ng Boliney, Abra kamakalawa.

Kinilala ang napaslang na si PO1 Recto Dalipog, 45, at nakatira sa nabanggit na barangay. Lumilitaw sa imbestigasyon na nasa likuran ng kanilang tahanan ang biktima nang lapitan at pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan.

Nagkataon namang nasa loob ng bahay ng biktima ang pinsang si Ben Lomioan na nagawang paputukan ang mga suspect gamit ang M14 rifle ng pulis bunsod upang magsitakas ang gunmen.

Show comments