4 karnaper arestado

BULACAN, Philippines – Apat-katao na sinasabing miyembro ng carnapping syndicate ang nadakma ng pulisya kung saan narekober ang tatlong motorsiklo sa isinagawang entrapment ope­ration kamakalawa sa Barangay Hangga sa bayan ng Hagonoy, Bulacan.

Pormal na kinasuhan ni P/Supt.Albert Ocon, ang mag-asawang Rhyence Bermudez, 29, utol ng Sex Bomb member na Aira, ng Raja Bago St., Tondo, Manila; Cherry Anne Bermudez, 31; Roberto San Jose ng Barangay Sto. Niño at si William Malabute, 19, ng Tondo, Manila.

Narekober sa mga suspek ang tatlong motorsiklo na may mga plakang NV-6003, OZ-8459, at KI6912 na sinasabing pag-aari ni Harold Conrad Flores ng Brgy. Pasong Tamo, Makati City.

Ang mga suspek ay nadakma matapos maaktuhan si San Jose na nagbebenta ng nakaw na motorsiklo sa tinderang si Marilyn Yabut ng Brgy. San Agustin.

Sa beripikasyon ng pulisya sa Land Transportation Office (LTO) lumilitaw na pag-aari ni Flores ang isa sa motorsiklo na binebenta sa halagang P30,000.

Show comments