MANILA, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa tatlong minero makaraang bumigay at bumulusok sa may 100 metrong lalim na minahan ang sinakyang drum kamakalawa sa Barangay Lawa-an, Danao City, Cebu.
Kabilang sa mga namatay ay sina Ramontio Tagalog, 42; Michael Valdez, 46, kapwa nakatira sa Barangay Magtagubtob, Danao; at Junrey Bavo, 28, ng Barangay Lawaan, Danao City.
Lumilitaw na kata tapos pa lamang mananghalian ng tatlo nang magdesisyong bumaba ang isa sa tatlong minero sa hinuhukay na minahan na pag-aari ni Adelina Hermita.
Ayon kay SPO4 Jose Salingua Jr. imbis maglakad na bumaba sa kinaugaliang ginagawa sa araw-araw sa minahan ay sumakay sa drum na may kable ang dalawa kung saan niyaya pa ang kasama na sumabay na rin sa pagbaba.
Subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay bumigay ang kable na nakakabit sa drum kaya bumulusok kasama ang tatlong minero sa may 100 talampakang lalim na minahan.
Ayon naman kay SPO1 Glenn Manulat, imbestigador ng Danao City PNP na posibleng hindi nakayanan ng kable na nakakabit sa drum ang bigat ng mga biktima na nagkabali-bali ang buto at basag ang bao ng ulo.