LEGAZI CITY, Albay, Philippines — Pinaniniwalaang hindi nakapagbigay ng revolutionary tax kaya sinunog ng mga rebeldeng New People’s Army ang administrative building na pag-aari ng El Dore Mining Corporation kahapon ng madaling-araw sa Sitio Nalisbitan, Barangay Dumangmang sa bayan ng Labo, Camarines Norte. Ayon sa ulat, bandang alas-3 ng madaling-araw nang lusubin at disarmahan ang mga guwardiya kung saan binuhusan ng gasolina ang mga kuwarto ng gusali saka sinilaban. Kaagad naman nagsitakas ang grupo na pinamumunuan ni Ka Tatang ng NPA Front Committee 71.