Karinderya, sinuyod ng LPG truck: 9 katao patay

MANILA, Philippines - Siyam katao ang nasa­wi makaraang suyurin ng isang truck na naglalaman ng LPG ang poste ng kur­yente at ilang karinderya na lumikha ng sunog matapos ang malalakas na pagsa­bog sa bayan ng Carmona, Cavite nitong Miyerkules ng madaling-araw.

Kinilala ang mga biktima na sina James Pazcugin, 2 anyos; Jecelyn Pazcugin, Julie Ann Vergara, Joy Ann Vergara, Jeremy Vergara, Jonald Pazcugin, Darlene Roa, Jomari Pancito at Jo­mar Bataan.

Samantalang dalawa pa ang kritikal na nakilalang sina; Jerald Escopan at isang nakilala pa lamang sa pangalang Jenny, kap­wa isinasalba sa Silang Hospital.

Inaresto naman ng nag­respondeng elemento ng pulisya ang mga truck hel­p­er na sina John Eric Es­me­­lia at Jun Espartero na na­abutan sa lugar at pa­tuloy ang pagtugis habang tinutugis ang driver na si Merco Lachica at pahi­nan­teng si Joel Ocawan na mabilis na nagsitakas.

Sa ulat na tinanggap kahapon ni PNP Chief Director General Jesus Ver­zo­sa, bandang alas-4 ng madaling-araw ng maga­nap ang malagim na insi­den­te sa kahabaan ng Go­v­er­nor’s Drive sa Brgy. Bang­kal ng nasabing bayan.

Ayon sa imbestigasyon, tinangka umanong mag-overtake ng Isuzu elf truck na may plakang VRA-361 na naglalaman ng 550 LPG tanks subali’t nawalan ng kontrol sa manibela ang driver na aksidenteng bu­mangga sa dalawang pos­te at sa isa pang kotse sa lugar.

Sa lakas ng pagkaka­bangga, tumilapon ang mga tangke at gumulong sa mga bahay at karin­derya saka sunud-sunod na sumabog na nagresulta sa sunog na isang oras bago naapula.

Show comments