2 nakuryente sa bakod

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Napaaga ang salubong ni kamatayan sa dalawang tinedyer na lalaki matapos makuryente sa bakal na bakod ng bahay sa Barangay Bapor, Masbate City, Masbate kahapon ng umaga. Bandang alas-7 ng umaga nang ma­tagpuang patay sina Wowie Manlapaz, 14; at Pio Baldo­lino, 14, kapwa nakatira sa Ba­rangay Bagumbayan.

Ina­min naman ng may-ari ng bahay na si Jovito Floreta na nilagyan niya ng kuryente ang kanilang bakod para sa kaligtasan ng kanyang pa­milya. Pinag-aaralan naman ng pulisya ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban kay Floreta.

Show comments