MANILA, Philippines - Sinampahan na ng kasong multiple murder si Abu Sayyaf Commander Furuji Indama at 20 iba pa na responsable sa pag dukot at pamumugot ng ulo sa tatlong mangangahoy sa bayan ng Maluso, Basilan noong Biyernes (Hunyo 11).
Ito ang kinumpirma ni P/Senior Supt. Antonio Mendoza kung saan patuloy na nangangalap ng ebidensya laban sa mga grupo ng mga bandido.
Ang grupo ni Indama ang itinuturong sangkot sa pagdukot at pamumugot ng ulo sa mga mangangahoy na sina Daduh Lumatang, Elpidio Amimensi at Manuel Lumasag sa Sitio Pali, Brgy. Abong-Abong, sa bayang nabanggit.
Ang bangkay nina Lumasag at Lumatang ay narekober kinabukasan bago magtanghali ha bang kinahapunan naman ay narekober ang katawan ni Aminensi sa Brgy. Abong-Abong ng nasabing bayan.
Sa kasalukuyan, ayon kay P/Senior Supt. Anotinio Mendoza na patuloy pa rin ang pagtugis ng mga tauhan ng pulisya at militar laban sa grupo ni Indama.