9 suspek sa pagpaslang sa 2 pulis, tinukoy

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Tinukoy na ng pu­lis­ya ang siyam na lalaki na si­na­sabing mga pangu­nahing suspek sa pagp­atay sa dala­wang pulis noong Martes (Hun­yo 8) sa bayan ng Gamu, Isabela.

Tinukoy ni P/Chief Inspector Melchor Cantil, hepe ng Isabela Criminal Investigation and Detection Team ang pito sa mga suspek na sina Elwer “Irong” Aquino, Amor Apalla, kapwa residente ng Ilagan, Isabela; Ronie dela Cruz, Elorde dela Cruz, Dominador dela Cruz Jr., Reynaldo “Rey” Agcaoili at si Ismael Valdez na sina­sabing natagpuang patay sa bahagi ng Barangay Do­lores, Quirino, Isabela.

Si Valdez kabilang ang siyam na iba pang suspek ang itinuturong respon­sable sa pananambang sa apat na pulis na ikinasawi nina P/Inspector Jelowie Antonio at PO3 Jaime Manaligod sa bisi­nidad ng Barangay Bar­tulan. Matatandaan na ga­ling ang apat na pulis sa surveillance operation nang ratratin ng mga suspek na nag­re­sulta sa pagkamatay nina Antonio at Manaligod. “Ca­ses for double murder and double attempted murder, theft and carnap­ping are now being prepared for filing in court,” pahayag ni Cantil.

Show comments