Kinidnap na Fil-Swiss nailigtas

MANILA, Philippines - Nailigtas ng mga tau­ han ng pulisya at militar ang dinukot na negos­yanteng Fil-Swiss sa isina­gawang rescue operation sa dalam­pasigan ng Ba­rangay La­buan, Zam­boanga City ka­hapon ng madaling-araw.

Kinumpirma ni Rear Admiral Alexander Pama, commander ng Task Force Trillium ang nailigtas na 72-anyos na si Charlie Reith kung saan isinailalim sa medical checkup sa Camp Navarro Hospital.

Bandang alas-3 ng ma­daling-araw nang masagip ng grupo nina P/Senior Supt. Frank Cristobal at Pa­­­ma ng Task Force Trillium ang bik­tima na sina­sabing bu­mag­sak ang ka­lusugan sa pagkakabihag at sumailalim din sa debriefing ng militar.

Una nang tinukoy ni Ar­my’s 1st Infantry Division Chief Major Gen. Romeo Lut­hestica na ang grupo nina Abu Sayyaf leader Khair Mundos at Moro Isla­mic Liberation Front rouge ele­ments sub-leader Malis­ta Malaca ang nasa likod ng in­si­dente noong Abril 4 sa Zamboanga City.

Show comments