Mag-ama pinabulagta

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines   —Kamatayan ang sumalubong sa mag-amang naghuhuntahan sa bakuran ng kanilang tahanan makaraang ratratin ng mga armadong lalaki kamakalawa ng hapon sa naganap na karahasan sa bisinidad ng Barangay Pinamisagan sa bayan ng San Fernando, Camarines Sur.

Hindi na umabot ng buhay sa St. John Hospital sa Naga City sina Antonio Habla, 73; at Noel Habla, 35. Pinaniniwalaang mga rebeldeng NPA ang kumana sa mag-ama na sinasabing napagkamalang asset ng PNP at AFP.

Show comments