Kinidnap na professor laya na

MANILA, Philippines - Matapos ang ilang araw na pagkakabihag, pinalaya na ng mga kidnaper ang 54-anyos na professor sa bisinidad ng Barangay Ilian sa bayan ng Piagapo, Lanao del Sur kamakalawa.

Ang kidnap victim na si Dr. Amer Sumulon ay ligtas na pinawalan matapos dukutin sa bisinidad ng Lanao National College of Arts and Trade campus sa Barangay Panggao, Sa­duc, Marawi City noong Hunyo 8. Lumilitaw na hindi kaso ng kidnap-for-ransom ang insidente manapa’y rumes­bak lamang ang suspek matapos na masira ang makina ng sasakyan nito nang magkamali ang gasoline boy kung saan diesel ang naikarga sa sasakyan imbes na ga­solina.

Show comments