Mag-ama pinabulagta

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Kamatayan ang sumalubong sa mag-amang naghuhuntahan sa bakuran ng kanilang tahanan makaraang ratratin ng mga armadong lalaki kamakalawa ng hapon sa naganap na karahasan sa bisini­dad ng Barangay Pinamisagan sa bayan ng San Fernando, Camarines Sur.

Hindi na umabot ng buhay sa St. John Hospital sa Naga City sina Antonio Habla, 73; at Noel Habla, 35, habang palakad naman lumayo ang gunmen matapos ang pamamaslang.

Pinaniniwalaang mga rebeldeng NPA ang kumana sa mag-ama na sinasabing napagkamalang asset ng PNP at AFP.

Show comments