Relay ng Globe pinasabog

MANILA, Philippines - Pinasabog ng mga armadong grupo na nagpakilalang mga rebeldeng New People’s Army ang relay facility ng Globe Telecom sa Centro East sa bayan ng Ballesteros, Cagayan noong Huwebes ng gabi. Tinutukan ng baril ang guwardiyang sina Remigio Romero ng Ballesteros Function Hall at Lorna Pacnis na natiyempuhang malapit sa nabanggit kung saan dinala malapit sa dalampasigan. Nang papaalis na ang mga rebelde, eksakto naman na napadaan si SPO1 Cesar Agtang, na sakay ng kanyang van kung saan pinahinto ng mga rebelde saka kinum­piska ang kanyang baril, cell phone at susi ng van. Lumilitaw na pangingikil ng revolutionary tax ang motibo ng panununog.

Show comments