Mag-ina kinatay ng adik

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-ina sa kamay ng mga adik sa bawal na droga makaraang itong pagtulungang saksa­kin sa loob ng kanilang ta­hanan kamakalawa ng gabi sa Barangay Pobla­cion Ilawad sa bayan ng Zar­raga, Iloilo.

Nagtamo ng 33 tama ng saksak sa iba’t ibang ba­hagi ng katawan si Lilia Simpia habang 16 na sak­sak naman sa anak nitong si Ana Mae, 23.

Sa police report na na­karating kahapon sa Camp Crame dakong alas-9 ng gabi nang maganap ang karumal-dumal na krimen sa loob ng bahay ng mag-ina sa Villar Carmela Subdivision.

Sa salaysay ng kapit­ba­hay ng mag-ina na si Edwin Palma, narinig ni­yang may komosyon sa loob ng ba­hay ng pamilya Simpia kung saan Ilang saglit pa ay nasundan ito ng pala­haw habang matin­di ang kalabugan.

Sa pag-aakalang away-pamilya lamang ay hindi pinansin ni Palma subalit namataan niya sa bintana na may papalabas na sa tahanan ng mga biktima ang ilang lalaki na hindi nito namukhaan.

Naglatag na ng mala­wakang dragnet operation ang pulisya para maaresto ang mga suspek.

Show comments