Electrician kinatay

BULACAN, Philippines — Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 44-anyos na electrician na nagmamantine ng linya ng kuryente sa kabahayan makaraang pagtu­lungang saksakin ng mag-utol na lalaki sa bisinidad ng Barangay Sta. Cruz ll sa San Jose Del Monte City, Bulacan kahapon. Kinilala ang napaslang na si Reynaldo Javier, 44, ng Purok 5, Barangay Sta. Cruz ll habang tinutugis naman ng pulisya ang mag-utol na suspek na sina Rolly at Rollen Flores. Base sa police report, nakasalubong ng biktima ang mag-utol kung saan binati pa ito ng una subalit inakalang kinukutya kaya naganap ang pamamaslang.

Show comments