CANDON CITY, Ilocos Sur, Philippines - Pinagtataga hanggang sa mapatay ng isang anak ang sariling ama sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Palacapac, Candon City, Ilocos Sur.
Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na napagalitan ni Rodolfo Binaso, 64, ang kanyang anak na si Mario Binaso, 38, dahil sa malimit magkamali.Dito nagalit ang suspek na sinasabing may dirprensya sa pag-iisip at pinagtataga ang kanyang ama.
Ayon kay P/Supt. Marlo Castillo, sumuko naman sa pulisya ang suspek matapos ang krimen.