CAFGU patay, 2 pa sugatan

MANILA, Philippines - Isang CAFGU ang na­sawi habang dalawa pa ang nasu­gatan sa magka­ka­hiwalay na sagupaan sa pagitan ng tropa ng mga sundalo at ng mga rebel­deng New People’s Army (NPA) sa lalawigan ng Com­postela Valley nitong Martes ng hapon at Hu­webes ng madaling araw.

Kinilala ang nasawi na si Francisco Capuyan, CAF­GU member sa ilalim ng Ar­my’s 72nd Infantry Battalion (IB), napuruhan sa pagsa­bog ng itinanim na Improvised Explosive Device (IED) ng mga rebelde sa Brgy. Salvacion sa bayan ng Mawab, Com­pos­tela Valley.

Ayon kay Army’s 10th Infantry Division (ID) Spokesman, Capt. Emma­nuel Gar­cia, dakong alas-2:30 ng madaling araw nitong Huwe­bes ng pa­sabugan ng NPA rebels ang bomba sa na­sabing lugar ha­bang pa­pa­daan ang tropang go­b­yerno sa lugar.

Dito’y nagkaroon ng pali­tan ng putok na tumagal ng 30 minuto na ikinasugat ng isa pang CAFGU.

Sa isa pang insidente, dakong alas-4:30 naman ng hapon noong Miyerkules ng maunang maka­engku­wen­tro ng mga elemento ng Army’s 71st Infantry Battalion (IB) ang grupo ng mga rebelde sa Brgy. New Leyte, Maco, Com­postela Valley. Sa kasagsagan ng putu­kan ay nasugatan ang isang sundalo na mabilis na isinu­god sa pagamutan.

Naitaboy naman ng tro­pang gobyerno ang mga kalaban na mabilis na nag­­si­takas patungo sa direk­syon ng kagubatan.

Show comments