'Cocaine dealer' nag-suicide

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang natakot na makulong ng habambuhay, kaya nagdesisyong magbigti ang isang cocaine dealer sa loob ng kanilang selda sa bayan ng Imus, Cavite kahapon ng madaling-araw. Kinilala ni P/Chief Supt. Rolando Ano­nuevo ang nagpatiwakal na si Arnold Alima, 22, ng Brgy. San Rafael, San Pablo City, Laguna.

Base sa record ng pulisya, si Alima ay nakumpiskahan ng P2.4 milyong bawal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Tanzang Luma noong Martes.

Sa kabila nito ay ipinag-utos ng opisyal kay Cavite PNP na imbestigahan ang insidente kung may naganap na foul play.

Show comments