MANILA, Philippines - Malagim na kamatayan ang sinapit ang isang 37-anyos na minero matapos itong pagsasaksakin at pugutan ng kainuman ng alak sa Barangay Alegria, sa bayan ng San Franciso, Agusan del Sur kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Julieto Quinones ng Purok 3, Brgy. Alegria, San Francisco. Nahaharap naman sa kasong kriminal ang suspek na si Kith Negranza, 26, kasamahang minero ng biktima.
Lumilitaw na nag-iinuman ang dalawa nang mapikon ang suspek sa tinuran ng biktima. Dito na biglang inundayan ng sunud-sunod na saksak ang biktima at hindi pa nakuntento ay pinugutan pa gamit ang bagong hasang itak.
Sumuko naman sa pulisya ang suspek at inamin ang krimen.