BULACAN , Philippines — Kalaboso ang binagsakan ng isang 29-anyos na ina matapos arestuhin ng pulisya sa kasong pagmamaltrato sa kanyang anak na batang lalaki sa Barangay Bambang, Bocaue, Bulacan kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni P/Supt.Ronald De Jesus ang suspek na si Sheryl Roxas, habang ginagamot naman sa ospital ang kanyang anak na si Jhasonsa Andres na nagtamo ng mga sugat at pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Lumilitaw na nakikipag-inuman ng alak ang suspek sa kanyang mga kaibigan sa labas ng kanilang bahay nang sunud-sunod na umiyak ang bata.
Dito na nairita ang suspek kaya tinadyakan at pinagpapalo ng kahoy ang bata.