Lolo inutas ng akyat-bahay

LEGAZPI CITY, Philippines — Isang 63-anyos na lolo ang pi­nagbabaril hanggang sa mapatay ng tatlong miyembro ng Akyat-Bahay Gang kamakalawa ng gabi sa Barangay San Roque sa bayan ng Bato, Ca­marines Sur.

Tatlo bala ng baril ang tumapos sa bu­hay ni Bien­venido Gabarda. Sa ulat ng pulisya, lu­militaw na nag­papahinga ang biktima matapos na maghapunan nang pasukin ng mga armadong lalaki ang kanyang bahay.

Gayon pa man pumalag ang bik­tima kaya siya niratrat. Tinangay ng mga kawatan ang P23,000 naipon ng biktima at maging ang ilang gamit sa bahay ay nilimas.

Show comments