3 tiklo sa pot session

MANILA, Philippines – Tatlo-katao na sinasabing sugapa sa bawal na droga ang inaresto ng pulisya makaraang maaktuhang nagpo-pot session sa bisinidad ng Barangay Primera Parang, sa bayan ng Lumban, Laguna kamakalawa. Pormal na kinasuhan habang na­kakulong ang mga suspek na si Peter Abad, 35; Danilo Ebarvia, 28; at Michael Feniquito, 26. Nasamsam sa mga suspek ang plastic sachet na naglalaman ng shabu residue, aluminum foil at dalawang improvised tooter gayundin ang disposable lighter. Sa ulat ni P/Senior Supt. Manolito Labador, nakatanggap ng tawag sa telepono ang pulisya hinggil sa nagaganap na pot session sa bahay ng isang alyas Freddie kaya nadakip ang mga suspek.

Show comments