Mangingisda, timbog sa paghuli, pagpatay ng pawikan

CAMARINES NORTE, Philippines — Rehas na bakal ang binag­sakan ng isang ma­ngingisda makaraang irekla­mo ng kan­yang mga kapit­bahay dahil sa panghuhuli ng isang pa­wikan na pla­nong ding iben­ta ng kada kilo sa Purok 5 Ba­rangay Ba­gasbas, Daet, Ca­marines Norte kamaka­lawa ng hapon.

Tulung-tulong na dinam­pot nina P/Sr. Insp. Rogielyn Ca­landria, Fish Warden at mga Barangay Officials ang suspek na si Allan Abordo, 41 ng nasabing barangay mata­pos na aminin nito ang gina­wang paghuli sa pawi­kan na tumitimbang ng 80 kilo.

 Ayon sa suspect, nagawa la­mang niya na manghuli at pa­­tayin ang pawikan upang may ipangtustos sa pagpa­paaral ng kanyang mga anak sa darating na pasu­kan. Ani­ya, nakita niya ang nasa­bing pa­wikan matapos na maka­sama sa kanyang “Pang­ki” na sina­sabing naghi­hingalo na.

Nabatid naman kay Nestor B. Mata, Forest Management Specialist ll at Acting Forester lll ng DENR Office sa Baran­gay Dogongan-Daet, iniha­handa na ang pagsa­sampa ng kaso laban sa mangi­ngisda at posibleng makulong na mahigit sa anim na taong pagkakabi­langgo matapos na lumabag sa Section 27 paragraph ‘A” and “F” ng Republic Act 9147 (known as Wildlife Conservation and Protection Act) Killing and Destroying (a) Collecting and Posses­sion (f) at pinagba­bayad ng halagang P100,­000.­00 hang­­gang P1 M.

Show comments