Torso, binti at braso natagpuan

BULACAN, Philippines – Isang katawan ng tao na walang ulo, dala­wang braso at dalawang binti ang natagpuan sa magka­hiwalay na lugar sa San Jose del Monte, Bulacan kamaka­lawa ng umaga.

Naunang natagpuan ang kaliwang binti ng lalaki na nakabalot sa plastic garbage bag sa likurang bahagi ng bahay ng pamilya Tolentino sa North Hills Subd.sa Brgy. Kaypian.

Kasunod nito, natagpuan naman ang torso ng lalaki, dalawang braso at dalawang binti na isinako saka itinapon sa basurahan sa terminal ng Transco.

Show comments