Maingay sa inuman pinabulagta

CAMARINES NORTE , Philippines  — Sa halip na makapag­bagong buhay ang bagong laya sa kulungan, isang mister na sinasabing ma­ingay sa inuman ng alak ang pi­nagtulungang sak­sakin hanggang sa mapa­tay ng mag-utol na lalaki kama­kalawa ng gabi sa Purok 6, Brgy San Isidro sa bayan ng Daet, Camarines Norte.

Labing-isang saksak sa katawan ang tumapos sa buhay ni Rizal Yanela, 34, ng Purok 5 habang tugis naman ng pulisya ang mga suspek na sina Daniel Pacao, 27; Alfredo Pacao, 21 at ang mga nagsilbing lookout na kanilang pinsan na sina Ronaldo at Rom­mel Pacao.

Lumilitaw sa imbesti­gasyon ni P/Insp. Van Al­teza Layosa, dumalo sa birthday ng ama ng mga suspek ang biktima kung saan nakipag-inuman ng alak.

Nang malango sa alak ay nagkainitan ang biktima at ama ng mga suspek kung saan nauwi sa pa­mamas­lang.

Show comments