CAMP VICENTE LIM, Laguna , Philippines — Aabot sa milyong halaga ng pera ang natangay mula sa manager ng money changer sa naganap na holdap sa loob ng mall sa bayan ng Dasmariñas, Cavite kahapon ng umaga.
Lumilitaw sa inisyal na police report, katatapos lang mag-withdraw ng pera sa Robinsons Bank na nasa Robinsons Mall si Alfredo Manalo, manager ng JMY Money Chan ger nang holdapin ng mga armadong lalaki bandang alas-10:12 ng umaga.
Sa pahayag ni Manalo sa mga imbestigador, bigla na lang siyang tinutukan ng baril ng apat na kala lakihan bago hinablot ang hawak na halagang P12.5 milyon.
Reklamo ni Manalo, naganap daw ang panghoholdap sa harap lang ng mga security guard ng mall pero hindi man lang daw siya natulungan. Sinisilip ng mga imbestigador ang anggulong ‘inside job’ ang naganap na holdap dahil sa sinasabing may ilang beses na nahoholdap si Manalo simula pa noong 2005 kaya isasailalim siya sa tactical interrogation, ayon kay P/Senior Supt. P. Tabujara.